Monday, September 5, 2011

assignment sa edtech

Mingoville Virtual World - A Demo of MMOG - Kids learn English - sign up for free www.mingoville.com

ang filipino ay wikang panlahat ilaw at lakas sa tuwid na landas by ;analou casirayan

Sa mundong ating ginagalawan
Kung saan tayo ay isinilang
na kung sa talino,ingles ang batayan
Wikang filipino isinasantabi lamang

Naihahalintulad din ito sa pananaw ng iba dyan
Sa pag aartista pisikal na kagandahan
ang syang nagiging basihan
Talento,talino,galing ay nasasantabi laang


Sa konstitusyon ng ating bansang pilipinas
Wikang filipino ang wikang pamabansa na doo'y nakasulat
Ngunit bakit sa camara,? sa senado,?
Opisyal na lengwahe daw  ay ingles ang nararapat.


DIYOS KO ang tanging nasampit ni juan de la cruz
Naintindihan nyo ba? nakasabot ba mo?
Nagpapasikat,nagyayabangan lang ba ang mga mambabatas nayan?
Imbis na mga halimbawa,,mga baluktot naman


Kapag ika'y nagkamali sa pagbigkas ng ingles
Stupido,bobo ang husga ng lahat at pinagtatawanan
At sa wikang filipino bulol si balikbayan
Husga ng laht''wow cute nakakakilig naman'' hmm?


Wikang vernacular wag nating kalimutan
Wikang filipino mahalin at pahalagahan
Wikang ingles ay ating linangin
Ngunit ano ang nangyayari nayon sa ating lipunan?




ang tulang ito ay aking ginawa,,basi sa aking mga naobserbahan sa tlebisyon,soscial network,sa kapaligiran,,sa sakayan,sa jeep..sa skol,,at kahit saan pa..itoy iyong mapapansin...pwera na lng kung nagbubulag bulagan ka...